Nakapanood ka na ba ng Pinoy action movie? Eto ang ilang palatandaan na ang pinapanuod mo ay bakbakang noypi.
- Umiikot ang istorya sa paghihiganti.
- Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola , ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno.
- Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota nya, ng mga nag-iinumang istambay.
- Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
- Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat nya.
- Pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahaha", automatic- kontrabida 'yon.
- Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.
- Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
- Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling-tapat.
- Ang structure ng mga kalaban: Ang Boss ang kanyang "mga bata".
- Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
- Lagi ding may eksena sa isang beer house.
- May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.
- Pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin na ulit ang leading lady.
- Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at pahihirapan, dahil lagi syang gustong mahuli nang buhay ng big boss.
- Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.
- Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala ng bala.
- Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
- Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa sya nakakahawak neto sa buong buhay nya.
- Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa.
- Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
- Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.
- Siyam ang buhay ng bida.
- Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
- Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.
- Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.
- Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
- Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa mga kalaban. Oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida, kahit na sangkot ito sa riot.
Boracay 2014
-
*Boracay in October*
*Vinta*
My Travelling Buddy
Vinta Race
Guitars
Island Hopping
10 years ago
No comments:
Post a Comment