Sa hirap ng buhay ang dami ko naiisip kung paano kumita o mag ka extra income man lang, kasi naman, di parin sapat ang aking kinikita sa pagiging empleyado, hayy naku, sa mahal ng bilihin at pamasahe,sapat p b? kaya Sa aking mahabang pagsasaliksik at pagiisip ng mga bagay na paano ako kumita,ay may isang bagay na dapat sana ay naging totoo, hehehehe, siyempre hindi ito ilegal, eto ay "KUNG MAY BAYAD LANG ANG MGA TANONG,SIGURO MAYAMAN NA KO", kalukuhan diba? bkit ko naman na isip yan?, siguro dala ng stress ng trabaho, at na isambit ko ito sa aking sarili.
Ayun naman eh sariling katanungan na imposibleng maging katotohanan,at kung mangyari yun edi sana mayaman na si Ka Ernie Baron,eh kasi naman sa trabahong aking napasukan ay halos araw araw (hindi naman araw araw, working days lang)na ginawa ng may kapal, ay maraming gustong magtanong , anu,sino,kailan at nasan, (ayoko sabihin ang nature ng aking trabaho),basta minsan maraming paulit ulit ang kanilang katanungan, pero di pa sila makulit nun ha!, hehehe, may sa personal at telepono ko sila sinasagot, alam ko nangyari na rin sa inyo to, minsan ay nagawa ko ng sagutin ang sarili kong katanungan, hindi ba nakakatawa?ahaha, un lng. (baliw !!!).
No comments:
Post a Comment